Lindol
Halos 12 midnight na nang mag-channel-surfing ako.Napatigil ako sa CNN dahil ang balita ay tungkol sa isa na namang malakas na lindol sa Japan. Agad akong nag-alala at nalungkot dahil hindi pa nakaka-recover ang mga tao sa takot at pighating dulot ng trahedya ng lindol at tsunami noong Marso ay narito na naman ang isa pang lindol. Isa pa, meron akong mga kaibigan at naging kaklase doon, tsaka doon din nakatira ang aking mentor na si Mr. Saito. Patuloy akong umaasa at nagdarasal na makayanan nila ang mga karanasang ito.
Kayabangan
I caught the early evening news of ABS-CBN - TV Patrol. Ang naabutan ko ay ang kasong tax evasion laban kay Mikee Arroyo at kanyang asawa. There was an interview of the president answering the issue and I thought he sounded not confident, but arrogant in the interview. Baka iniisip ng mga nakapaligid sa kanya na by answering questions like that ang nagiging dating nya sa tao ay matapang sya, maling-mali. Sana pinipili nila ang mga isyung sinasagot nya. Pakiramdam ko, yung mga importanteng isyu, di nya masagot at yung mga isyung di naman masyadong apektado ang karamihan ng mamamayan ang sya nyang inaasikaso. Samantalang si VP Binay, andun agad sa burol ni Sally Ordinario, si PNoy, pagdi-date ng iba't ibang babae ang inaasikaso. Hay, ang yabang na, ang tamad pa ng pangulo natin. Kawawa naman ang Pinas.
Mga Problema ng Bansa
Ang problema ng bansa, ang mga nasa posisyon, si marunong mamuno, naliligaw sa pagdadala sa atin sa sinasabi niyang matuwid na daan. Kakalungkot.
Lolo Talying's Girl
Friday, April 8, 2011
Thursday, April 7, 2011
Matuwid na Daan o Malubak na Daan?
Bilang mamayan ng bansang ito, hindi masasabing hindi ko siya binigyan ng pagkakatong patunayan ang magagawa nya para sa bansa. In fact, kahit hindi nanalo ang ibinoto ko, naging hopeful ako dahil maraming naniniwala sa kanya at iniisip ko, siguro naman hindi nya bibiguin ang mga taong ito...Pero almost 10 months into the presidency, I am getting quite frustrated on this PNoy government. Parang nasa presidency lamang sya to get back at the people na hindi nila kasundo. Hindi ko sya nakikitang hands-on na tumitingin at sumasagot sa mga problema ng bansa. Ang daming mishandling, ang daming miscommunication, sa ngayon, I am not seeing the teamwork in his government...Mas nagiging maniningning tuloy ngayon ang Vice President. Parang mas sya ang matatakbuhan ng mamamayan. Ang dami pating mga remarks ni PNoy na medyo lumalabas ang pagiging aristocrat nya. Hindi nya alam, at hinding hindi nya malalaman ang problema ng pangkaraniwang tao hindi dahil mayaman sya kundi nararamdaman ko na hindi naman talaga siya sensistive sa mga pangangailangan ng mga Pilipino...Kaya nga dapat tayong mga Pinoy ay matuto na. Hindi tayo dapat padala sa kasikatan o sa kayamanan o sa impluwensya ng mga taong ito. Maaring hindi nga sya nangungurakot pero hindi rin naman sya gumagawa ng paraan upang umasenso tayo. Sabagay malayo pa ang pagtatapos ng term nya, may panahon pa para baguhin yung kawalan ng ginagawa ng kanyang pamahalaan. Mahirap yatang pumunta sa daang matuwid kung wala tayong gagawin at hahayaan na lang natin na yung mga nasa paligid natin ay gumawa ng sunud sunod na kapalpakan. Sana huwag nyang hayaang tuluyan tayong mawalan ng pag-asa.
Tuesday, April 5, 2011
My Inspiration, my Mom
Sometimes I feel like there’s a tiny bit of inspiration coming out of me but I know that deep down in my heart there’s still this flame burning for this vocation I chose. There’s never a day that I feel like this is work. I have found my task in this world and this is it. It’s just that, the past weeks and months, I haven’t been the same. I have physically lost an inspiration but she is with me everyday and every minute of my life, moreso now than I ever did when she was alive. So much of me is her. She lives in me. Our love transcends time for I know that I will love her for as long as I live and her love for me is enough to last me a lifetime.
All I can do for her now is to pray for her everyday. I vow never to break this promise of prayers and I hope that in heaven she hears me.
All I can do for her now is to pray for her everyday. I vow never to break this promise of prayers and I hope that in heaven she hears me.
Sunday, October 3, 2010
Preparing for LET
I have just finished my final exams in the last subject I have for the PTC course at UP Open University. If I pass the subject, I can already take the LET by April...I am starting to prepare the documents for that. Pero matagal palang kumuha ngayon ng TOR...Limot ko na kung saan ang Admin Office sa UPLB, baka kasi inilipat na.
I am excited to take the LET pero scared din dahil syempre nakakatakot.
I also just received my admission pack from MAEd-LLE. I will be continuing studies at UPOU maybe in the next 2 or 3 years...
I am excited to take the LET pero scared din dahil syempre nakakatakot.
I also just received my admission pack from MAEd-LLE. I will be continuing studies at UPOU maybe in the next 2 or 3 years...
Doing Everything and Anything for Mom
Last Friday, napansin ko, mahina na naman si mommy. Hindi na siya makatayo at pag nakasandal siya sa isang side, hindi na sya makakapihit sa kabilang side. Di rin sya gaanong makakain at tamad makipag-usap...Alam mo kasi kapag okay sya eh kasi makulit sya...Anyway, I called up Dr. Raymundo to ask what we can do, may mga ipinabili sya sa aking mga vitamins at binili ko agad...Talagang ang hirap hindi lang sa kalooban kung hindi pati na rin sa bulsa...Napag-usapan nga namin ni Ate Yet, minsan parang ang selfish namin cause we want them to always be around kahit akikita mong parang hirap na hirap na sya...Pero lagi ko namang pinagdadasal na yung best para sa kanya ang mangyari pero kung tatanungin ako ng Diyos, syempre mas gusto ko kasama ko sya, kumpleto kami habang nararanasan yung better days ng aming mga buhay, kasi syempre kulang kung wala ang isa.
Saturday, September 18, 2010
Worried Pa Rin
Two days ago, nakalabas na si mommy sa hospital. Buti na lang pumunta sina Ate Yeyet. Hindi ko na kailngang mag-arkila pa ng sasakyan para makauwi kami...Kaya lang ngayon, masama pa rin ang pakiramdam ni mommy, syempre pag ganitong di sya okay, di rin ako okay. Syempre nagwoworry ako sa kanya...Pag tinitingnan ko sya, nakakadurog ng puso...Di ko alam kung ano pang pwede kong gawin para maging okay lang ang pakiramdam nya...Eh nitong mga huling araw medyo disappointed ako kasi yung mga taong akala ko maasahan ko, wala naman doon...Iniisip ko, kung di kaya ako manlibre, pupunta kaya sila para dalawin si mommy sa hospital...Wala akong pwedeng asahan kundi kaming 3 lang talaga. Ang constant na mukhang nakikita ko sa hirap at ginhawa yung mukha ng parents ko...Syempre salamat kay Ate Yet. Muntik na kong maiyak nung tinanong nya ako kung okay lang ako. Kasi wala naman talaga akong pambayad...Pera ng school ang ginastos ko para kay mommy...alam ko namang maiintidihan ako ng mga kasama ko... Anyway, lagi kong sinasabi sa mga dasal ko sana pag bumuti ang buhay namin, kumpleto kami. Gusto ko maranasan namin ng sama-sama yung better days...pero may mga times din sabi ko sa Diyos bahala na siya kung anong best para sa aming lahat lalo na kay mommy...Hindi pa man, alam kong mag-iiba ang buhay ko pag nawala siya...Noon ngang nasa hospital sila at ako lang ang tao sa bahay, grabe ang lungkot...di ako makatulog nang tuluy-tuloy...pero sabi nga ng marami, lahat naman tayo papunta doon...Natuwa nga ako sa sabi ni Tricia, sabi nya sana nandun sya pag time ng parents nya, ayaw nya raw maunang mamatay sa parents nya kasi para maipalibing nya nang maayos...
Ang dami kong narealize nung nasa hospital sila...na walang titingin talaga sa akin kaya I really should take care of myself...Yung kuya ko ni hindi ako sinisilip dito kung kumain na ko o kung okay ako...Nag-iba na siya. Si Ate Car, kung di ko pa i-text wala yatang balak pumunta sa hospital...Minsan natatapos ang maghapon na di ako kumakain at walang nakakaalam kung hindi ako...Minsan naiisip ko kawawa ako... Ngayon ko naiisip yung lagi nilang sinasabi na mag-asawa ako kasi wala nga namang titingin sa kin pagtanda ko...Dinarasal ko kung mangyaring nag-iisa nga ako sa buhay sana mabilis yung death...Ayokong maging pahirap sa iba...Sabi ni daddy mag-ipon daw ako ng pera pero paano naman ako makakaipon?
Di naman ako nagrereklamo, ganun yata talaga ang takbo ng buhay ko, may ibang parte naman na okay, masaya, fulfilling gaya ng school...pero sana mahaba-haba pang panahon kasama si mommy. sana mag-kay na ang pakiramdam nya kasi pag ok sya, ok ako...
Basta, ang hirap mag-worry...Sorry kay Mama Mary di ako nakapagdasal kagabi...maaga akong inantok...Bawi ako...
Hay...

Monday, September 13, 2010
Worries
Yesterday, we brought mom to the hospital, she wasn;t feeling well...napansin ko na nga nung umaga na hindi pa sya bumabangon...kalimitan kasi, sabay kaming gumigising. Hinayaan ko lang na matulog sya kasi alam kong kailangan nya ang pahinga...pero sa totoo lang walang laman ang isip ko the past few days kung hindi ang kalagayan nya...She was not feeling well ilang araw na ang nakakalipas eh, hirap din syang kumilos...Around 9:30, we brought her to SPC-MC. The hospital was full ang daming tao sa ER, di din nila ma-admit dahil walang available na kwarto. Ang tagal namin doon. Pareho kami ni daddy na hindi makakain. Medyo conscious pa si mommy noon pero parang groggy. Di ko matagalan na makita sya sa ganoong kalagayan...Nakakadurog ng puso lalo na pag naalala ko yung mommy ko noong kalakasan nya. Walang dull moment sa kanya eh. Kahit sa mga problema, may sense of humor sya...Before ako sumaglit sa Chow King para bumili ng siopao pang-lunch, bumulong ako sa kanya, sinabi kong i love you sa tenga nya, at tumingin sya sa kin at sinabi rin nyang i love you. Tapos tuloy na ulit sa pagtulog...Siguro mag 1PM na rin when we finally got a room. Sa ward na panglimahan kami napalagay. Maayos naman dahil aircon pero walang pwedeng matulugan ang bantay kung hindi sa silya...
Hindi ko pala dapat ikatuwa na maghapong tulog si mommy. Sabi ni doc may dahilan daw kung bakit ganon. Isang health condition daw yun. Di raw normal na maghapong tulog. May mga binigay na gamot at sabi ni doc, sana raw ang magising sa gamot na yon. Pero maganda naman daw ang vital signs nya...pero di ka pa rin mapanatag dahil umalis akong tulog pa rin sya...Ewan ko ba, mixed feelings eh, pag nakikita ko syang ganon, masakit sa dibdib. Gusto kong nandyan sya pero ayoko rin namang nakikitang hirap na hirap sya..Straining din sa pamilya...sukat ng patience, understanding and love, pakiramdam ko sa mga karanasan namin with Parkinsons parang ang tigas na ng kalooban ko.

Subscribe to:
Posts (Atom)